Masarap tumawa, tama?
Mas masarap humalakhak.
Ang sarap ng buhay pag walang problema!
Pero kahit anung iwas natin,
may mga pagkakataong hindi natin kontrolado.
May mga pangyayaring hindi ayon sa ating nais,
at hindi tumutugma sa ating mga plano.
Subalit hindi totoong wala kang kayang gawin.
At hindi totoong hindi mo kasalanang pangit ang araw mo!
Lahat ng nangyayari sa'yo,
hindi mo man ginusto,
ikaw ang responsable dito.
BAR EXAM EXPLOSION VICTIM
Isa si Raissa Laurel sa mga taong hinahangaan ko
kung lakas lang ng loob ang pag-uusapan.
Hindi lang sa tapang maging sa Positibong pagharap sa kanyang dinanas.
Inisip kong kung ako kaya ang nasa kalagayan nya,
ganun ko rin kaya tatanggapin ang mga pangyayari?
Marahil ay panghihinaan ako ng loob at iisiping hindi patas ang buhay!
Subalit iba ang kanyang ipinamalas sa ating lahat.
Isa lang si Raissa sa mga taong dapat nating tularan,
o pagkunan ng inspirasyon sa mga panahong nahihirapan tayo.
Maaaring sa mga desisyong ginagawa natin
o sa mga reaksyong ipinakikita natin sa mga nangyayari sa atin.
Hindi madali ang buhay,
pero mas magiging magaan kung positibo natin itong ipinamumuhay.
Hindi masamang isipin ang problema,
hindi naman kasi yan tinatakasan.
Pero hindi ba mas magaan sa pakiramdam pag masaya?
Hindi masamang ngumiti,
at lalong hindi masamang tumawa.
Kwento mo 'to.
Ikaw ang may akda ng buhay mo.
Paano mo ba ito gustong magwakas?
Sabi nga nila hindi mo kasalanang ipinanganak kang mahirap.
Ang kasalan ay kung mamamatay kang mahirap :)
Ang usaping ito ay hindi lang tungkol sa pera o yaman,
kundi pati na rin sa sarili mong kaligayahan.
Ikaw ang pumipili sa gusto mong maramdaman.
Kahit gaano kagulo ang paligid mo,
kayang kaya mo pa ring ayusin ang sarili mo.
Paano ba nagsimula ang kwento mo?
Hindi mo ba gusto?
Sabi ko nga sa iyo, kwento mo 'to!
Ikaw ang bahala sa wakas na gusto mo!
5 comments:
Ang problema ay hndi tlaga dpat tinatakasan...
Pero hndi rin mganda kng ito lang ang ating pag-uusapan.
Higit na masarap ang kaligayahang mahahanap kng solusyon s problema ang ating tinatahak!
ahh...prang gusto ko n rin mag-blog ah! ;)
mganda rin ang banat mo dito ah!
msyado akong nadala :)
salamat ulet, hehe sana mas marami pang taong maging bahagi ng mga blogs ko para mas marami pa ang masiyahan :)
invite ka na lang ng iba to join this site.. baka soon open ko tong site ko for other bloggers para pwede rin silang magpost dito :)
Hard Rock Hotel & Casino, Las Vegas - Dr.MCD
Hard Rock Hotel & Casino, Las Vegas. 공주 출장안마 3131 Las Vegas Blvd South Las Vegas, NV 전라북도 출장안마 89109. The Strip. 강원도 출장안마 Directions · (702) 770-9977. Call Now · 강릉 출장샵 More 안성 출장마사지 Info. Hours, Accepts Credit
Post a Comment