ang dahilan ay dahil sa sila ay nag-iisa at walang kasama.
Hindi ko ibig sabihin na mag-isa lang silang namumuhay,
kundi mag-isa lang nilang hinaharap ang mga problema sa buhay.
Nasa tamang edad naman na sana,
kaya lang wala pang mapiling katuwang.
Hinahanap nga ba ang pag-ibig?
Maraming aklat ang pwedeng sumagot sa tanong na ito.
Maraming mga pananaw mula sa mga eksperto.
Gayunpaman, may iba't ibang pag-iisip ang mga tao
kaya't ibigay mo man ang lahat ng opinyon,
nasa kanyang sariling paniniwala pa rin ang sagot.
May mga nagsasabing kung uupo ka lang at maghihintay
walang darating na Prinsesa o Prinsepeng
sasagip sa di matinag mong paniniwalang mayroon nga.
Pero bakit naman yung
isang kakilala ko sumakay lang ng bus,
isang buwan ang makalipas kinasal na?
Wag mo namang sabihing naghanap sya sa bus
at tinanong sila isa isa kung sinong Single pa sa kanila?
May mga nagsasabi naman
na sa halip na hanapin mo ang taong magmamahal sayo
ay ihanda mo ang iyong sarili.
Kapag naging karapat dapat ka para sa isang tao,
darating yung karapat dapat para sa'yo.
Bakit naman yung isang kakilala ko,
mahigit sampung taon nang hinanda ang sarili,
hanggang ngayon mag-isa pa rin?
Tumanda nang dalaga at tila wala nang pag-asang magkaasawa?
Ano nga ba talaga ang dapat gawin?
Maghanap o maghintay?
Para sa akin, sa sarili ko lang pananaw,
ang pag-ibig ay napapasa kanilang handa nang tanggapin ito
kasama ang mga problemang kaakibat nito.
Bakit sya wala pa ring asawa?
Siguro ayaw nya ng lalaking payat.
Siguro ayaw nya ng babaeng maitim ang nguso.
Siguro ayaw nya ng lalaking madaldal.
Siguro ayaw nya ng babaeng mabagal kumain
at hindi umiinom ng tubig na walang yelo.
Siguro nga yun yung dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa syang asawa.
Marahil ang dahilan ay dahil hindi pa nya kayang
tanggapin na makikisama sya sa isang taong may mabahong hininga.
Totoo naman,
sino ba naman ang taong gustong sa bawat paggising nya sa umaga,
mabahong hininga ng asawa ang babati sa kanya.
Iisipin mong wag na lang gumising at matulog na lang
hanggang makaalis na papunta sa trabaho ang asawa mo
nang hindi mo na kailangang magbigay ng goodbye kiss.
Ang tao nga naman gusto ng kasama
pero ayaw tanggapin na walang taong perpekto.
Oo, naghahanap ng isang prinsipe at ang daming pinapangarap
na animo'y mayroon sa tunay na buhay.
Walang ganun kahit maghintay ka ng limampung taon o mahigit pa.
Dahil kahit ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang hari
ay mabaho rin ang utot.
Ang ibig kong sabihin,
wala namang masama kung mag-set ka ng standard mo
pero wag mong asahang ganun nga ang mapapangasawa mo.
May kakilala ako ang gusto mayaman, matangkad,
matalino, mabait, responsable, at higit sa lahat gwapo!
Ayun nung magkita kami kamakalawa
wala sa mga nabanggit meron ang asawa nya,
kabaliktaran lahat.
Pero nung tinanong ko sya kung mahal nya,
ang sagot nya oo naman.
Hindi naman daw mahalaga kung anong itsura,
ang importante mahal sya.
E di ganun na nga,
kinain nya yung sarili nyang salita.
Ang pag-ibig ay hindi pakahulugan ng panglabas na kagandahan at kayamanan.
Kung wala sa taong mahal mo ang mga katangiang hanap mo,
tulungan mo syang angkinin ang mga yaon.
Ang ibig kong sabihin,
maging bahagi ka ng pag-unlad nya at pagkamit ng salitang kaganapan
o pagiging ganap.
Yan ang pagmamahal,
oo hinahanap yan.
Hinahanap yan at sinisimulan sa sarili mo.
Kung hindi mo kilala kung sino ka at kung ano ang gusto mo,
di mo makikita ang taong para sa'yo.
Oo hinihintay yan,
at ang paghihintay ay hindi nangangahulugang wala kang gagawin.
Sa paghihintay ay inihahanda mo ang iyong sarili.
Inaayos mo kung ano sa tingin mo ang kailangang ayusin.
Gawin mong ikaw ang pinakamaganda,
kahit ikaw lang ang naniniwalang maganda ka,
ang mahalaga ay may isang naniniwalang ikaw nga.
At sakaling dumating ang taong iyon na para sa iyo,
alam mong sya na nga.
At walang pag-aalinlangan mo syang tatanggapin sa buhay mo
at alam mong di ka na mag-iisa pang
muli.
Ngayon tatanungin kita, hinahanap ba ang pag-ibig?
13 comments:
like your blogs papa khuks..kw na talaga..keep up the good work..hehe
lol daddy khuks ako eh, ikaw ang papa joey dapat hehe. thanks pala sa comment :)
Salamat brother sa payo mo!!
Parang ako ang nasa situation nyan!! ^_^
Hello cookie!!
hinahanap nga ba ang pag-ibig? hndi ko rin alam ang sagot sa bagay n yan...
pero ako kahit bahagyang sulyap lang... alam kong iyon na yun!
nakakahawa nman ang pagiging "makata-linghaga" mong mga salita.
maganda! mahusay na pagkakagawa! all my thumbs are up! :D
salamat regel. kung may mga topic kayong gustong pag-usapan dito comment nyo lang para consider ko sa next posts ko :)
cookie monster? :)
thanks kyo! para sa inyo talagang mga readers yan.
masaya ako nagustuhan mo.. wait mo iba ko pang
blogs :)
thanks for sharing your thoughts kapatid!
Hinahanap ba ang pag-ibig? Sa tingin ko oo, pero siguro dapat may pagkachill hindi yung agressive style xD sobra nakakaentertain to kuya kuks :D haha
thanks keith. meron pa mga susunod nxt week sulat ulet ako :)
Galing mu talaga friend! So proud of you!
haha, thanks yen. hindi ako nagpaalam ginamit ko pic nyo, haha.. bagay lang kasi e ;)
Post a Comment